Pasugalan sa Sta Maria Bulacan ni raid

Pasugalan sa Bulacan ni raid ng mga Pulis

Isang Barangay sa Bulacan ay ni raid ng mga pulis.Halos magmukang pasugalan ang ilalim ng bahay ng mag asawang Reste at Ido sa bayan ng Sta Maria sa Bulacan. SDoon ay nagtitipon-tipon ang mga manunugal at syang naglalaro ng baraha.

Kamakailan lang nitong Pebrero 16 taong kasalukuyan biglang dumating ang mga pulis sa pasugalan at ni raid ito.

Ayon sa mga saksi pagdating ng mga pulis ay nagkanya kanyang takbo ang mga taong naka upo at nagsusugal.

Walang nahuli ang mga pulis sapagkat tinakbuhan sila ng mga ito, maging ang may ari ng bahay ay wala sa panahong niraid ang kanilang bahay.

Ayon sa impormasyon nakalap sa Barangay. Isa sa mga Barangay tanod ang syang nagsuplong sa ilegal na pasugalan. Nag warning ang pulis na kapag naulit pa ang pagsugal sa naturang lugar ay huhulihin na ang mga ito.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang raid. Sa mabuting lagay ay natigil na ang pasugalan sa lugar na iyon at wala na ding nagbabalak na magsugal sa takot nilang mahuli.

PAGLAGANAP NG CORONA VIRUS

Sa pinakahuling tala,17 na ang namatay sanhi ng corona virus na galing sa lungsod ng Wuhan sa China na ngayon ay kumakalat na sa ibat ibang panig ng daigdig.

Tinatawag ng mga awtoridad ang sakit na (2019 nCoV) 2019 Novel Coronavirus.

Naiulat din na mahigit 2500 na tao ang inoobserbahan matapos mag karoon ng contact sa taong infected ng virus.

Para maiwasan ang virus ipinagutos ng awtoridaw na laging gumamit ng facemask sa pampublikong mga lugar o kaya ay iwasan ang madalas na paglabas sa kanilang mga tahanan.